Saturday, September 1, 2012

JOKE LANG TITO SEN


JOKE LANG TITO SEN

Sino naman ang hindi bibilib dito kay Tito ‘the senator’ Sotto? Tignan mo naman kung magbitaw ng joke. ‘Tinde  ‘di ba? Seryosong-seryoso. ‘Ni hindi ngumingiti.  Natural na natural. Walang kaeport-eport.  ‘Yun naman daw ang tatak ng isang mahusay at tunay na komedyante. Akala mo hindi siya nagpapatawa pero matatawa ka.

Baket?

E, ‘di ba nga, nung mabuko na kinopya lang pala ‘yung isang parte ng speech niya tungkol sa RH bill, ano’ng sabe? Wala daw ‘plagiarism’ sa speech niya! At normal lang daw sa kanila ang mangopya. O, hindi ka ba natawa nu’ng sabihin niya ‘yon? Inamin niya, na gawain talaga niya ang, kumbaga sa estudyante, ay ‘cheating’. At nandamay pa! Lahat naman daw sila gano’n. Galing niya mag-joke ‘di ba?

Pero hindi raw ‘yun plagiarism sabi niya. Kahit nu’ng nagsalita na ‘yung blogger (Susan Pope) na kinopyahan niya ng salita, hindi man lamang siya nag-sorry. Sa halip, pinatanggal na lang niya sa record ng senado  ‘yung parte ng speech niya na kopya . Tapos buong yabang na bumanat ng, “ Ano ngayong pinagsasasabe niya (ni  Susan Pope) na plagiarism?” E, wala na nga naman ‘yon sa record. ‘Yan ang mga banat ng joke! Flawless! Super-cool!

At dito talagang laglag ang baga ko katatawa. Tumayo ulit sa senado nu’ng isang araw. Nagpanukala naman na i-regulate raw ang mga blog sa internet. Grabe talaga sa galing! Siya raw ang kauna-unahang senador sa buong mundo na biktima ng ‘cyber bullying’. Hayop sa joke! Biruin mo, imbes na mag-sorry, ‘yun pang mga ‘netizens’ ang sinisisi sa nangyare! ‘Di ba ang husay niya talaga mag-joke? Elib talaga ako bah! At kung nakita mo lang sana kung pa’no umigtad-igtad  ‘yung bigote ni Tito Sen habang nagtatalumpati! Hanep sa dateng pare! Parang sinasabi nu’ng bigote n’ya, “O, palakpakan naman d’yan  mga dabarkads!”  

He he he. Hanep talaga galeng!

Joke lang, Tito Sen.



No comments:

Post a Comment