Saturday, September 22, 2012

NAGKATAON LANG 'YON NA NAMAN ULIT


NAGKATAON LANG ‘YON NA NAMAN ULIT!

Bakit nga ba tuwing may sumasakabilang buhay tayong mahal sa buhay, kaibigan, kapitbahay, kabarangay,kababayan,  kakilala, o kaya taong popular, marami tayong sinasabi at naririnig na kung anu-anong hindi kapani-paniwala?

Produkto lamang ba ng malilikot nating imahinasyon ang iba’t-ibang istorya tungkol sa pagpaparamdam o pagpapakita sa panaginip ng mga namayapa  na? Ang mga pangitain o premonisyon ng isang malapit ng  bawian ng buhay, tutoo nga kaya? O, talagang nangyayaring nagkakataon lamang? ( Random chance?)

Kung mahilig ka sa ganyang mga kwentong paniwalaan-dili, idagdag mo ito sa iyong listahan:  

 EKSENA 1:

Miyerkules ng hapon,September 19. Pagitan ng alas kwatro at alas otso. Sa loob ng isang DLTB bus biyaheng LRT-Taft (Manila). Sakay ang isang pamilya papunta sa kapilyang kinahihimlayan pansamantala ng isang mahal sa buhay na hindi pinalad makaligtas sa isang grabeng atake sa puso. Magkatabi sa unang hanay ng upuan ang isang mag-asawa. Sa kanilang likuran, pangalawang hanay ay ang anak nilang lalaki at isang apo sa pamangkin. Sa katapat na upuan naman nakaupo ang panganay nilang anak na babae. Kasama rin nila ang isang pamangking lalaki at isa pa nitong  anak.

EKSENA 2:

Walang tigil sa pagdadasal ng rosaryo ang babaeng katabi sa upuan ng panganay na anak ng mag-asawa. Sisingkwentahin ang idad ng nasabing babae. Ninenerbiyos marahil sa lakas ng buhos ng ulan. Walang imikan ang mag-asawa at dalawa nilang anak maliban sa paminsan-minsang pag-aalok at paghingi ng kendi.

EKSENA 3:

Bago pa man dumating sa dakong Makati, bumaba ang katabing babae ng panganay na anak ng mag-asawa. Tumatakbo na ulit ang bus ng mapansin ng anak na panganay ng mag-asawa ang rosaryo na ginagamit ng katabi niyang babae. Naiwan ito sa upuan. Itinabi niya ang rosaryo na hindi binabanggit kahit kanino. Kulay brown ang nasabing rosaryo, at hindi ordinaryo o mumurahin.

Masikip ang daloy ng trapik nuon dahil sa pabugso-bugsong malakas na ulan kaya inabot ng kulang sa apat na oras ang kanilang biyahe.
  
Pagdating sa kapilya (St. Alphonsous Chapel, Magallanes), at matapos ang walang katapusang beso-beso at malulungkot na kumustahan ay:

EKSENA 4:

BABAE 1: TARS, WALA KA BA D’YANG ROSARY NA P’WEDENG IPABAON KAY MOMMY?

(“Tars” ang palayaw ng panganay na anak ng mag-asawa. Tiyahin nito ang babaeng nagtatanong, kapatid na mas matanda ng tatay niya. “Mommy” naman ang tawag ng buong pamilya ng mag-asawa sa namayapa.)

TARS:   ALAM MO AUNTY, MAY NAPULOT AKONG ROSARY SA BUS.

Nagulat si Tars at kinilabutan dahil bakit parang alam ng tiyahin niya na may rosaryo siyang napulot. Nangagulat din at kinilabutan ang ibang nakarinig sa kanila. Parang sinadya raw iwan ng babaeng katabi ni Tars na iwan nito ang kanyang rosaryo. May nagsabing binulungan daw ng anghel ang babaeng nakaiwan ng nasabing rosaryo.. Sabi naman ng iba, nagkataon lang daw ‘yon.

Halos maiyak na si Tars nang inilalagay nila ang nasabing rosaryo sa magkasalikop na kamay ng kanilang ‘Mommy’. (Hindi pala siya nalagyan ng rosaryo no'ng inaayos.)

EKSENA 5:

Hapon. September 19. Loyola, Guadalupe parking space. Hinahanap ng Tatay ni Tars ang paborito nitong hikaw na suot niya sa kanang tainga. Aksidente itong nasungkit ng sarili niyang daliri pagbaba ng sasakyan. Trooper ang gamit nila noon, paboritong gamiting sasakyan ng kanilang 'Mommy'. Sa unahang upuan  nakaupo ang tatay ni Tars, p’westo ng namayapang si “Mommy”. (Nasa Loyola sila para i-cremate ito.)

ANAK NA LALAKI NI ‘MOMMY’:  ALAM MO UNCLE, ASAR SI MOMMY SA LALAKING MAY SUOT NA HIKAW. AKO NGA  PINAPATANGGAL ‘PAG MAY SUOT .

TATAY NI TARS: NAWALA KO NA’YAN SA CHINA PERO NAKUHA KO ULIT. BAKA  PINAPATANGGAL  NI MOMMY  NGAYON DAHIL  ASAR  SIYA. HA HA HA!

At tuluyan ng nawala ang paboritong hikaw ng tatay ni Tars.

EKSENA 6:

Madaling-araw. September 23. Nakabukas ang laptop ng tatay ni Tars. May tina-type ito. Nakauwi na sila sa Laguna matapos ihatid sa ‘Heaven’s Gate sa Antipolo, Rizal ang kanilang mahal na si ‘Mommy’.

Maya-maya napatigil ito sa pagta-type. Matagal na napatitig lang ito sa wala. Iniisip niya ang mga pangyayari ng nagdaang ilang araw. Hindi ito makapaniwala. Humigop siya ng kape. Malakas ang tunog.

Biglang tumindig. Pabulong na sinabi sa sarili:

“NAGKATAON LANG ‘YON!”

NA NAMAN?

ULIT?

Tuesday, September 18, 2012

ALA-TSAMBANG SULAT KAY P-NOY HINGGIL SA JUETENG


ALA-TSAMBANG SULAT KAY P-NOY HINGGIL SA JUETENG

Dear Noynoy,

Dahil palagi mong sinasabing kaming taumbayan ang ‘boss’ mo, nagkalakas loob akong magbakasali na makarating sa iyo ang sulat kong ito. Ala-tsamba, ‘ika nga. Bahala na si Darna.

Tungkol ito sa plano ng PCSO na ipalit ang “Loterya ng Bayan”  sa nabigong STL. Huwag ka sanang maiinis, ha ‘Noy? Pero palagay ko, sinumang magsabi na mapapatay niya ang isang ilegal na sugal sa pamamagitan ng isang legal na sugal ay isang malaking ipokrito.  

Nasubukan na ‘yan e. Wala namang nangyari ‘di ba? Nagkaro’n pa nga ng legal na ‘front’ ang ‘jueteng’.  Masasayang lang ang panahon at pondo na pwedeng sa iba na lamang gamitin.

Tama ka nu’ng hindi mo isanama sa mga ‘top priority’ mo ang ‘jueteng’. Dahil wala naman talagang makakapagpatigil dito ng lubusan. Nagpapalamig lang sila ‘pag mainit.

 Hindi na siguro mamamatay ang jueteng ‘Noy. 

Alam natin na milyong piso kada araw ang kinikita ng isang ‘jueteng lord’ ‘di ba? E, paano mo naman mapapasunod ang isang tao na patayin ang kanyang kambing na umeebak ng ginto? Hala ka, paano? Iuutos mo sa iba na patayin ang kambing? Sino’ng uutusan mo? May susunod  kaya sa iyo,  eh alam naman nating lahat na nakikinabang din sa ‘kambing’ halos lahat ng pwede mong utusan? 

E, ano nga ba’ng dapat gawin? Subukan mo kayang sabihin sa sambayanang Pilipino na huwag tumaya sa jueteng? Simple! Kung walang mananaya, walang sugal ‘di ba? 

Gamitin mo ang iyong popularidad, ‘Noy. Ipamulat mo sa taumbayan, sa pamamagitan ng telebisyon at radyo, kung paanong sa pamamagitan ng pagtaya sa jueteng ay yumayaman ang iilang tao, ang mga ‘jueteng lord’. Atasan mo ang lahat ng paaralan sa Pilipinas na ituro sa mga estudyante ang masasamang bagay na ibinubunga ng pagsusugal. Himukin mo ang simbahan na ipangaral ng dibdiban, na hindi mabuti sa isang tao ang magsugal. 

Siyempre gugugol ng ilang panahon bago magkaroon ng magandang resulta ‘yan. Pansamantala, dahil nga lagi mong sinasabing kaming mamamayan ang ‘boss’ mo, at dahil kilala naman lahat ng mga ‘jueteng lord’, baka pup’wedeng utusan kita, na kausapin mo ang mga ‘jueteng lord’ na ‘yan, isa-isa kung maari, pakiusapan mo kung kailangan, na gawing minsan na lamang sa loob ng isang araw ang bola nila. Kawawa naman kasi kaming mga mahihirap na mamamayan. Ibibili na lamang ng bigas at ulam ay naipangtataya pa namin sa jueteng na ‘yan. Hindi mo naman kami masisisi dahil nagbabakasakali nga. 

P’wede kaya ‘yun ‘Noy? Palagay mo makikinig ang mga jueteng lord sa iyo ‘pag kinausap mo sila ng seryoso? Sabihin mo kaya kaming mga tao  ang nakikiusap? Nahihirapan na kami eh. 

Tsaka, biruin mo ‘Noy, may barkada ako dati, naging tauhan ng jueteng lord mula nu’ng maupo ka, dal’wa na ang bagong kotse ngayun, ganda na ng bahay, 42” flat screen ang TV, lahat ng anak may laptop, dal’wa ang asawa. Walang binabayarang tax ‘yun. Hay, nako. Ang yabang pa! ‘Yun ang nakakainis sa lahat.
   
O, sige ‘Noy. Salamat kung makakarating sa iyo itong sulat ko. Pasensiya ka na sa mga nasabi ko. Kalimutan mo na lang ha? Lagi kasi kitang pinapanood at pinakikinggan kaya feel ko ‘close’ tayo.

Good luck sa  ‘Loterya’ mo. Hintayin ko na lang kung mapapahinto n’yan ang ‘jueteng’. Pero palagay ko talaga hindi. Siguro mag-iilegal na lang din ako, paris nu’ng barkada ko dati. Sarap buhay pa. He he he

Maraming salamat, ‘Noy.

Tagahanga mo,
Edwin


Sunday, September 16, 2012

INNOCENCE OF AN EX-BEST FRIEND


INOCENCE OF AN EX-BESTFRIEND
       
   These recent violent protests sparked by a video on youtube somehow reminded me of an ex-best friend.  How so?
      
    I’ll tell you.
      
    In my younger days, back when I used to roam the streets of Manila in search of night spots with a sign that reads ‘wanted: folksinger’, I had this ‘silent type’ guy as a constant tag along and eventually became a band mate, and yes, my best friend. 

     Now, this ex-best friend of mine, will somewhat strike you, as a very shy guy, and very down-to-earth literally with his head almost always bowed down and looking sideways. He, most of the time, is smiling, or grinning as one may put it, when being spoken to.  He seldom speaks. Just sits in a corner, quietly. 

     It didn’t bother me a bit then. In fact, I think it was his ‘quiet-never-talk much’ way that molded our friendship. I love to talk about a lot of things other than music. And he was always there, yes, to listen. (Ho-hum. ) Besides, I myself get high on silence and love being left alone by my lonesome. As it is for me, so it was for him. Or so I thought then.   
   
     We played together as a duet and went to hunt for places to play.  Between us two, everything went smoothly.  After a few uneventful months, I invited a bass player and a drummer to somehow tighten  our sound and to reinforce our music.

      It was a mistake.

     My then soon-to-be-ex-best friend being a man of few words didn’t say a thing but resented my move. His not so pleasant character started giving hints.  In practice sessions, when told to refine a chord or syncopate a rhythm, he would suddenly stop playing and walk out on us whispering curses to himself. There was this one instance when me, the bass player, and the drummer were having a good laugh when out of nowhere came my ex-best friend saying, ”You’re talking about me?” and made a motion of hitting us with a microphone stand. But he smiled widely afterwards, so the three of us thought it was just a joke. 

      And then, one day it happened. During our first gig as a four-piece band, he again played a wrong chord. Instead of saying ‘sorry’, he laughed wildly, and walked off the stage. When the club-manager stopped him to ask why, he gave the most unreasonable of reasons, hit the manager with a ‘Pacquiao’ left-hook, and threatened to burn the whole place down.  Not satisfied with what he just did, he started throwing bottles, glasses, ash trays, napkin holders around and hurled several mono-bloc chairs towards the stage obviously aimed on us, his band mates.  I was stunned. I never thought he was capable of being so violent. Right then and there, we disbanded. 

     Up until today, I can’t fully grasp what happened that day. I remember my ex-best friend telling me how his childhood was: Prayers right after waking up in the morning, before and after every meal, and before going to bed. Bible study and reciting the Holy Rosary every night, Black Nazarene on Fridays, Mother of Perpetual Help on Wednesdays, hear mass on Sundays rain-or-shine-no-matter- what. He was short of saying his parents were grooming him to be a priest one day. I can still recall how my ex-best friend’s voice sounded so sincere, while telling me how God-fearing he was; and how he wished everybody would treat everyone as brothers and sisters, as fellow human beings, as children of God; and how he look forward to the day he would be in heaven. 

        How could he be so violent? I remember asking myself after that incident. What was it that got into him that day? What drove him to just snap and explode so violently and insanely mad at everybody? Does he have deeply-rooted insecurities? How was he really brought up?   

        And just how could one say he is this and that, and then do another that and this?

        My ex-best friend knows. But does he?

Thursday, September 6, 2012

TITO SEN AT IT AGAIN


TITO SEN AT IT AGAIN

Napanood n'yo ba ang bagong comedy skit ni Tito Sen? Narinig n'yo ba ang mga sinabi niya before and after the translated speech? Tinagalog niya na raw para walang masabe ang tao? Obvious naman na kaya tinagalog ay para hindi mapansing kinopya. Ayaw ko sanang isipin pero talagang ganun ba siya kababaw?  Ga'no katagal na kaya niya ito ginagawa?  

Tito Sotto is self-destructing. His actions cannot be undone.
I  am tempted to say he is a disgrace to the senate and an insult to the Filipino nation.
But I won't… 

Saturday, September 1, 2012

JOKE LANG TITO SEN


JOKE LANG TITO SEN

Sino naman ang hindi bibilib dito kay Tito ‘the senator’ Sotto? Tignan mo naman kung magbitaw ng joke. ‘Tinde  ‘di ba? Seryosong-seryoso. ‘Ni hindi ngumingiti.  Natural na natural. Walang kaeport-eport.  ‘Yun naman daw ang tatak ng isang mahusay at tunay na komedyante. Akala mo hindi siya nagpapatawa pero matatawa ka.

Baket?

E, ‘di ba nga, nung mabuko na kinopya lang pala ‘yung isang parte ng speech niya tungkol sa RH bill, ano’ng sabe? Wala daw ‘plagiarism’ sa speech niya! At normal lang daw sa kanila ang mangopya. O, hindi ka ba natawa nu’ng sabihin niya ‘yon? Inamin niya, na gawain talaga niya ang, kumbaga sa estudyante, ay ‘cheating’. At nandamay pa! Lahat naman daw sila gano’n. Galing niya mag-joke ‘di ba?

Pero hindi raw ‘yun plagiarism sabi niya. Kahit nu’ng nagsalita na ‘yung blogger (Susan Pope) na kinopyahan niya ng salita, hindi man lamang siya nag-sorry. Sa halip, pinatanggal na lang niya sa record ng senado  ‘yung parte ng speech niya na kopya . Tapos buong yabang na bumanat ng, “ Ano ngayong pinagsasasabe niya (ni  Susan Pope) na plagiarism?” E, wala na nga naman ‘yon sa record. ‘Yan ang mga banat ng joke! Flawless! Super-cool!

At dito talagang laglag ang baga ko katatawa. Tumayo ulit sa senado nu’ng isang araw. Nagpanukala naman na i-regulate raw ang mga blog sa internet. Grabe talaga sa galing! Siya raw ang kauna-unahang senador sa buong mundo na biktima ng ‘cyber bullying’. Hayop sa joke! Biruin mo, imbes na mag-sorry, ‘yun pang mga ‘netizens’ ang sinisisi sa nangyare! ‘Di ba ang husay niya talaga mag-joke? Elib talaga ako bah! At kung nakita mo lang sana kung pa’no umigtad-igtad  ‘yung bigote ni Tito Sen habang nagtatalumpati! Hanep sa dateng pare! Parang sinasabi nu’ng bigote n’ya, “O, palakpakan naman d’yan  mga dabarkads!”  

He he he. Hanep talaga galeng!

Joke lang, Tito Sen.