Ngayong
magbe-bertdey na naman si Andres Bonifacio (November 30, 1863), lumalakas ulit ang hugong ng mga panawagang siya ang kilalanin nating “Pambansang Bayani”.
Kabi-kabila na naman ang mga debateng si Bonifacio ang karapat-dapat na tawaging “National
Hero”.
Salimbayan
ang mga ‘posts’ sa “FB” tungkol sa kabayanihan at kadakilaan ni Ka Andres. May isang bumunghalit na bakit daw dalawa ang ating national hero. Merong nagsisigaw na dito lang
daw sa Pilipinas hindi ‘national hero’
ang nagsimula ng rebolusyon. Etcetera, atbp.
Maliin ninyo
ako kung mali ako, pero ang alam ko talaga, wala pang idinedeklarang isang opisyal na
“National Hero” ang Pilipinas. Marami tayong “national heroes”, ‘yun ang alam
ko, hindi lang dalawa. Kasama na s’yempre si Ka Andres. Nangyari lamang na
kumbaga sa artista, maganda ang packaging ni Jose Rizal kaya mas kilala siya.
Talagang ibinenta, kung baga, kaya mas sikat siya kaysa sa iba.
(Halos
lahat yata ng bansa sa mundo maraming
kinikilalang “national heroes”.)
Palagay ko
lang naman, hindi kailangang pagtalunan, lalo’t higit ay pag-awayan kung sino
ang pinaka-matapang o pinaka-matalino, kung sino ang pinaka-dakila, o sino pinaka-okey
na bayani, sa simpleng kadahilanan na may kanya-kanya tayong pinanggagalingan,
may sari-sarili tayong ‘biases’ at maka-sariling motibo. Ang mas mahalaga, sa
tingin ko, ay isa-puso at isa-buhay natin ang kadakilaan, ang ginawang
sakripisyo at kabayanihan, ng kung sino mang kinikilala nating bayani.
Kung
mamimili tayo kung sino dapat ang ating “National Hero”, si Rizal o si
Bonifacio, paano naman ‘yung ibang nagpakahirap at nag-alay din ng dugo at buhay
para sa atin? Nakakasiguro ba tayo, siyento por siyento, na ang kinikilala
nating ‘bayani’ ay hindi likha lamang ng ‘bias’ ng kung sinong ‘historian’?
Walang
makakapagsabi, kahit sino sa ating nabubuhay ngayon, kung ano ang totoong nangyari noon. Ang lahat
ay nakatala lamang. Kasaysayan. Isinulat ng tao. Taong tulad mo at tulad ko ay may
‘bias’. May kinakampihan.
Sa ating panahon
ngayon, maraming away, kaguluhan at maging digmaan, ang nag-uugat sa
paniniwalang ipinipilit ipapaniwala sa iba.
Mabubuhay naman tayo kahit iba-iba tayo ng pinaniniwalaan ‘di ba? Kung ipipilit mo sa akin ang sa’yo, at igigiit ko sa’yo ang sa akin, mag-aaway talaga tayo.
Mabubuhay naman tayo kahit iba-iba tayo ng pinaniniwalaan ‘di ba? Kung ipipilit mo sa akin ang sa’yo, at igigiit ko sa’yo ang sa akin, mag-aaway talaga tayo.
Kaya ako, ‘common
sense’ ang 'rule of thumb' ko: If it doesn’t make sense, it’s nonsense! He- he-he.
Ibig kong
sabihin, parang nonsense na magbangay tayo tungkol sa kung sino ang mas magaling na
bayani. Si Bonifacio gusto mo? Okey! Si Rizal ang akin? Hindi okey?
Sige, pag-debatehan
natin. Matapos naman kaya tayo? Hindi kaya magsasayang lang tayo ng panahon? Ng ‘effort’?
Sino nga ba ang mas 'bayani', si Rizal o si Bonifacio?
Pero teka, kung mag-dedebate tayo, hindi kaya parang nakakatawa, na para tayong mga "fans" na nagtatalo kung sino ang mas magaling, si Nora o si Vilma?
Sino nga ba ang mas 'bayani', si Rizal o si Bonifacio?
Pero teka, kung mag-dedebate tayo, hindi kaya parang nakakatawa, na para tayong mga "fans" na nagtatalo kung sino ang mas magaling, si Nora o si Vilma?
Hindi kaya parang ganu'n 'yon? Palagay mo?
Ha, 'tol?
Ha, 'tol?